Sunday, May 02, 2010

Game! Magazine Philippines BULOK!!!

Alam nyo ba yung Game! Magazine? Malamang hindi, at kung ako sa inyo ay wag nyo ng alamin at wag sanang sumagi sa mga pag iisip nyo na bumili. Ang Game! Magazine ay 80 pesos at minsan may libreng CD na kung anong MMO ang bagong labas sa bansa. Bukod sa napakalipis nito ay tadtad pa ng ads ng mga big company na gaya ng LEVEL UP at ng E-Games Ph.
Hindi ko to nirerecomend sa mga hardcore gamer dahil sa laging out of date itong magazine na to sa mga bagong release na laro sa Sony PS3, Xbox 360, PSP, Nintendo DS at Nintendo Wii. Sa katunayan ilang buwan ko ng tapos ang PERSONA 4 bago nila ni-review lol. Puro MMO or Online games lang ang nasa loob ng magazine dahil siguro dito lang sila nagkakapera, para maipromote yung MMO na bulok sa bansa na kapag naglaro ka naman ay laging may mga "KUYA PA TRY" or "PALIMUS". Kulang na kulang ang magazine na to, wala silang rumor section na may papalabas na mga bagong laro sa mga console at handheld. Sana magbago ang mga editor nila at mag bago ang nilalaman ng magazine nila dahil hindi lang naman online games ang nilalalro ng mga Pinoy.
Aksaya talaga nakakapanghinayang ang pera sa walang kabuluhang mga article, mag punta n lang kayo sa site ng gamespot tutal mas maraming info kayong makukuha dun dahil itong magazine na to ay napakalayo sa mga gaming magazine na gaya ng NINTENDO POWER or GAME INFORMER. Bulok!

2 comments:

Anonymous said...

Aww...that's too bad.Bumili ako ng November issue, I agree some articles are out-to-date, pero may article naman sila dun about game developing,ayun sulit naman yung bili ko dahil sa article na yun...

オゾン said...

Wala ng Game! Mag

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More